Gabay Sa Kalusugan: Mga Mabisang Halamang Gamot

Red heart cardiogram with stethoscope, heart health, health insurance concept.

Gabay Sa Kalusugan: Mga Mabisang Halamang Gamot na Dapat Mong Malaman

{getToc} $title={Table of Contents}

Panlunas Para Sa:

Alipunga

1. Labanos

Ipahid ang katas ng labanos sa paa 2 beses maghapon.

Almoranas

1. Kamias (dahon)

Magpakulo ng 3 tasang tinadtad na dahon sa 2 galong tubig sa loob ng 10 minuto.

Ilagay sa malaking palangganang maaring upuan ng pasyente. Tiyaking tama ang init ng tubig bago paupuin ang pasyente upang hindi ito mapaso.

2. Ampalaya (ugat, bunga at buto)

Hugasan at tadtarin ang mga ugat at bunga. Katasin. Haluan ng 2 kutsarang langis.

Basain ang maliit na bulak sa inihandang katas at ipahid sa almoranas matapos magbabad sa nilagang dahon ng kamias.

Alta Presyon

1. Sambong 

Ilaga ang dahon, inumin tulad ng tsaa. 

2. Damong Maria 

Ilaga ang dahon at sanga, inumin tulad ng tsaa. 

3. Banaba 

Ilaga ang dahon, inumin tulad ng tsaa. 

4. Duhat 

Ilaga ang dahon nilinis na balat ng puno ng duhat, inumin tulad ng tsaa. 

5. Kinstay 

Katas ng dinikdik na kinstay, inumin, 1 kutsara 3 beses maghapon. 

6. Bawang 

Kumain ng 2 butil ng bawang 3 beses maghapon kasabay ng 3 beses na pagkain.

Paggagamot at Pag-iwas sa Alta presyon

Maaring gawin ang mga sumusunod: 
  • Magbawas ng timbang kung mataba o sobra ang timbang. 
  • Iwasan ang mga pagkaing maraming taba, lalo na ang taba ng baboy, at mga pagkaing maraming asukal o starch.

    Laging gumamit ng langis mula sa gulay sa halip na mantika ng baboy.
  • Kumain ng mga pagkaing kakaunti ang asin o wala nito. 
  • Magsanay na maging mahinahon. 
  • Kung napakataas ng presyon, kumonsulta sa doctor upang mabigyan ng gamot na magpapababa ng presyon ng dugo. 

An-an 

1. Akapulko (dahon) 

Dikdikin at ipahid ang katas sa balat na may An-an 2–3 beses maghapon araw-araw hanggang gumaling.

Arthritis 

1. Duhat (buto, hinog) 

Ilaga ang buto ng hinog na duhat, inumin ang sabaw tulad ng tsaa. 

Beke 

1. Kamias (bunga)

Tadtarin at durugin. Itapal sa namamagang bahagi sa loob ng 30 minuto, 3 beses sa isang araw.

2. Kantutay (dahon) 

Dikdikin ang mga dahon. Itapal sa namamagang bahagi sa loob ng 30 minuto, 3 beses sa isang araw.

3. Makahiya (dahon) 

Magdurog ng dahon. Itapal sa namamagang bahagi sa loob ng 30 minuto, 3 beses sa isang araw. 

4. Lagundi (dahon) 

Maglaga ng 1/2 tasa ng dinurog na sariwang dahon sa 2 basong tubig sa loob ng 15 minuto. 

Ipainom: 
  • Sa bata (2-6 taong gulang) — 1 kutsara tuwing ika-4 na oras. 
  • Sa 7-12 taong gulang — 1/2 tasa tuwing ika-4 na oras. 
  • Sa matanda — 1 tasa tuwing ika-4 na oras.

Bukol

1. Mayana (dahon) 

Pagulungan ng makinis na bote ang dahon upang mapisa ang nakausling mga hibla at basain ng tubig na may asin at itapal sa bukol. 

Gumamit ng maraming dahon kung malaki ang bukol upang matakpan ito. 

Bulate sa Tiyan

1. Sibuyas 

Katasin at ipainom sa bata na may bulate sa tiyan. 

2. Niyog-niyugan (buto) 

Pakainin ng 6 o 7 buto ng niyog-niyugan ang batang may 7 hanggang 12 taong  gulang at 10 buto sa mga may hustong gulang.

3. Kaimito 

Kainin ang prutas upang maalis ang mga bulate. 

Buni

1. Adelfa (balat at dahon) 

Magtadtad ng 1 pirasong balat at talbos. Katasin at ihalo ang katas sa 1 kutsarang langis ng niyog. Ipahid sa apektadong bahagi, 2 beses maghapon. 

2. Bawang (butil) 

Balatan at dikdikin. Ikuskos sa apektadong bahagi hanggang sa mamula. Gawin ito nang 2 beses maghapon. 

3. Bayabas (dahon) 

Maglaga ng mga dahon bayabas. Gawing panglinis sa apektadong lugar habang mainit-init pa. 

4. Akapulko (dahon) 

Magdikdik ng mga dahon ipahid ang katas sa apektadong lugar, 2 beses maghapon. 

5. Kamantigue (bulaklak) 

Magdurog ng mga bulaklak. Ang dami ay depende sa laki ng gagamutin. Kunin ang katas at ipahid sa apektadong bahagi sa loob ng 30 minuto.

Gawin ito 2 beses maghapon. 

6. Tabako (dahon) 

Gamitin kung ang apektado ay ang ulo. Maglaga ng mga dahon sa 1/2 gallon ng tubig sa loob ng 15 minuto. 

Gamiting shampoo sa buhok 1 beses bawat araw hanggang sa gumaling. 

Detoxifier (Panlinis ng toxin sa katawan) 

1. Pandan (dahon) 

Pakuluan ang dahon at inumin na katulad ng tsaa, mas marami ang inumin, mas mabuti sa katawan. 

2. Anis de Moras (dahon) 

Pakuluan ang dahon at inumin na katulad ng tsaa. 

Diabetes

1. Damong Maria 

Ilaga ang sanga at dahon ng Damong Maria at inumin katulad ng tsaa. 

2. Kasoy (bunga) 

Kainin ang bunga ng kasoy ngunit huwag ang buto nito. 

3. Kamatsile (bunga) 

Kainin ang bunga ng kamatsile. 

4. SiEirika (dahon at bulaklak) 

Pakuluan ang dahon at bulaklak at inumin katulad ng tsaa. 

5. Banaba (Balat at dahon) 

Pakuluan ang balat ng puno at dahon, inumin katulad ng tsaa. 

6. Duhat (bunga) 

Kainin ang bunga kung maari ay huwag lagyan ng asin.

Inumin ang sabaw ng pinakuluang balat ng puno at dahon ng duhat katulad ng tsaa. 

7. Kogon (dahon at ugat) 

Pakuluan ang dahon kasama at ugat at inumin tulad ng tsaa. 

8. Ampalaya (bunga) 

Hiwain ng pino ang bunga ng ampalaya at gawing ensalada na may kasamang kamatis at konting asin. 

Mga Palatandaan ng Diabetes: 
  • Laging pagkauhaw. 
  • Pag-ihi nang madalas at marami. 
  • Di-maipaliwanag na sanhi ng pagkapagod. 
  • Pangangati at matagal na impeksiyon sa balat. 

Diarrhea

1. Bayabas (talbos) 

Kumuha ng 3 pirasong talbos ng bayabas, hugasan at lagyan ng konting asin, nguyain at lunukin ang nadurog na talbos at inumin ang katas nito. 

2. Mabolo (prutas) 

Kumain ng maraming hinog na prutas nito hanggang hindi tumitigil ang pagtatae. 

3. Saging (latundan) 

Mas higit na epektibo kung hindi masyadong hinog ang kakainin na saging upang mas mabilis gumaling. 

4. Tanglad (dahon) 

Maglaga ng 10 dahon sa 2 basong tubig sa loob ng 10 minuto. Dagdagan ng 1 kutsarang asukal at 1 piraso ng maliit na luya. 

Ipainom:  
  • Sa 1 taong gulang — 1 kutsara, 3 beses isang araw. 
  • Sa 2–6 taong gulang — 1/4 tasa, 3 beses sa isang araw. 
  • Sa 7–12 taong gulang — 1/2 tasa, 3 beses sa isang araw. 
  • Sa matanda – 1 tasa, 3 beses sa isang araw.

    Gawin ito hanggang huminto ang pagtatae. 
5. Kaimito (dahon) 

Magpakulo ng 1 tasang tinadtad na dahon sa 2 basong tubig sa loob ng 15 minuto. 

Ipainom: 
  • Sa 1 taong gulang 1 kutsara, 3 beses isang araw. 
  • Sa 2–6 taong gulang — 1/4 tasa, 3 beses sa isang araw. 
  • Sa 7–12 taong gulang — 1/2 tasa, 3 beses sa isang araw. 
  • Sa matanda — 1 tasa, 3 beses sa isang araw.

    Gawin ito hanggang huminto ang pagtatae.
6. Makahiya (dahon) 

Magtadtad ng 1 tasang dahon. Pakuluan sa 2 basong tubig sa loob ng 10 minuto. 

Ipainom: 
  • Sa 1 taong gulang — 1 kutsara, 3 beses isang araw. 
  • Sa 2–6 taong gulang — 1/4 tasa, 3 beses sa isang araw. 
  • Sa 7–12 taong gulang — 1/2 tasa, 3 beses sa isang araw. 
  • Sa matanda — 1 tasa. 3 beses sa isang araw.

    Gawin ito hanggang huminto ang pagtatae. 
7. Kugon (ugat) 

Magtadtad ng lh tasang sariwang ugat. llaga sa 2 basong tubig sa loob ng 10 minuto. 

Ipainom:
  • Sa 1 taong gulang — 1 kutsara, 3 beses isang araw. 
  • Sa 2–6 taong gulang — 1/4 tasa, 3 beses sa isang araw. 
  • Sa 7–12 taong gulang — 1/2 tasa, 3 beses sa isang araw. 
  • Sa matanda — 1 tasa, 3 beses sa isang araw.

    Gawin ito hanggang huminto ang pagtatae. 

Eksema

1. Cacao (buto) 

Ihawin ang buto at dikdikin. Itapal sa eksema pagkatapos na maibabad sa mainit na tubig (iwasang sobrang init upang huwag mapaso).

Kapag may eksema iwasang malagyan ng mga sabong panlaba ang eksema. 

2. Papaya (buto, hinog) 

Dikdikin at haluan ng konting Virgin Coconut Oil at ipahid sa eksema. 

Galis o Kurikong

1 . Kakawati o Madre de Cacao (dahon) 

Dikdikin ang dahon, kunin ang katas at ipahid pagkatapos maligo at bago matulog. 

2. Makabuhay (sanga) 

Pakuluan ang mga sanga nito at gawing panghugas sa galis. Huwag banlawan ng bayaang matuyo sa balat. 

3. Papaya (buto, hinog) 

Dikdikin ang buto ng papaya, lagyan ng konting virgin coconut oil at ipahid sa balat na may galis. 

4. Malunggay (dahon) 

Dikdikin ang dahon ng malunggay at ihaplos ang katas sa balat na may galis. 

5. Kalatsutsi (dahon) 

Dikdikin at ihaplos ang katas sa balat na may galis. 

Hika

1. Luyang Dilaw 

tadtarin Gilingin, o papinuhin sa blender ang luyang dilaw. llagay sa  malinaw o transparent na sisidlan, pantayin at buhusan ng gin kapantay lamang sa pinantay na luyang dilaw. 

Ibabad ng 1 araw bago pigain sa pamamagitan ng katsa o matibay na tela.

Inumin ng 1 kutsara, 3 beses maghapon hanggang gumaling ang hika. Hindi ito napapanis kaya't itago upang magamit sa susunod na pangangailangan. 

2. Talampunay (dahon) 

Gawing parang sigarilyo ang 2 dahon at hithitin tuwing 6 na oras. 

3. Kalachuchi (dahon) 

Pakuluan ang dahon at inumin na katulad ng tsaa. 

4. Alagaw (dahon) 

Katasin at dikdikin ang dahon ng alagaw at inumin ang katas. 

5. Kulifis (dahon at bulaklak) 

Magpakulo ng murang sangang may bulaklak at dahon (tinadtad) sa 5 baso ng tubig sa loob ng 10 minuto. 

Ipainom: 
  • Sa sanggol — 2 kueara, 4 na beses bawat araw 
  • Sa bata — 1/2 tasa, 4 na beses bawat araw 
  • Sa matanda — 1 tasa, 4 na beses bawat araw. 
6. Lagundi (dahon) 

llaga ang tinadtad na dahon sa 2 basong tubig. Pakuluan sa loob ng 15 minuto at salain bago gamitin. 

Ipainom: 
  • Sa 2–6 taong gulang — 1 kutsara, 3 beses bawat araw. 
  • Sa 7–12 taong gulang — 2 kutsara, 3 beses bawat araw 
  • Sa matanda — 4 na kutsara, 3 beses bawat araw. 
7. Sampalok (balat at puno) 

Magtadtad ng I tasa ng balat ng puno. Pakuluan sa 3 basong tubig sa loob ng 15 minuto bago gamitin. 

Ipainom: 
  • Sa sanggol — 2 kutsarita, 4 na beses bawat araw. 
  • Sa bata — 1/2 tasa, 4 na beses bawat araw. 
  • Sa Matanda — 1 tasa, 4 beses bawat araw. 

Hilo

1. Bayabas (dahon) 

Lapirutin at ipaamoy. 

2. Dayap (dahon, balat ng bunga) 

Lamukusin ang balat o dahon upang lumabas ang katas. Ipaamoy sa pasyente. 

3. Oregano (dahon) 

Lamukusin ang dahon. Ipaamoy sa pasyente. 

4. Dalanghita (dahon o bunga) 

Lamukusin ang sariwang dahon o balat ng bunga. Ipalanghap sa nahihilo. 

5. Suha (dahon) 

Lamukusin ang sariwang dahon. Ipalanghap sa nahihilo. 

Hinimatay

1. Atis (dahon) 

Lamukusin ang dahon upang mapalabas ang katas. Ipaamoy sa pasyente hanggang sa magkamalay. 

2. Herba Buena (dahon) 

Durugin o lamukusin ang dahon. Ipaamoy sa pasyente. 

3. Calamansi (balat at bunga) 

Lamukusin ang balat ng bunga. llapit ito sa ilong ng pasyente upang langhapin. 

4. Damong Maria (dahon) 

Dikdikin ang mga dahon. Itapal sa sintido ng pasyente. 

Kabag

1. Malabe (dahon) 

Pakuluan ang dahon ng malabe at inumin katulad ng tsaa. 

Kagat ng Ahas 

1. Kamantigue (bulaklak)

Dikdikin ang 10 o higit pang bulaklak ng Kamantigue, itapal sa sugat likha ng kagat ng ahas matapos itong paduguin at hugasan. 

Kagat ng Insekto 

1. Yerba Buena (dahon) 

Dikdikin ang dahon at itapal sa kagat ng insekto. 

2. Oregano (dahon) 

Dikdikin ang dahon at itapal sa kagat ng insekto. 

Kalyo 

1. Bawang 

Pagsamahin ang tig-2 patak ng katas ng dinurog na bawang at suka na ipangbasa sa maliit na bulak. 

Itapal sa kalyo sa pamamagitan ng tape o plaster. 

Kanser sa Bituka 

Pamalagiang kumain ng dahon ng malunggay at saging na latundan. 

Konstipasyon 

1. Papaya (bunga, hinog) 

Kainin tuwing umaga bago mag-almusal. 

2. Malunggay (dahon at bunga 

Laging isahog sa pagluluto ng gulay upang maiwasan ang konstipasyon.

3. Mangosteen (dahon) 

Pakuluan ang hiniwang manipis na balat at inumin katulad ng tsaa. 

4. Kangkong (dahon) 

Maglaga ng talbos. Kumain ng 1-2 tasa sa oras ng pagkain. 

5. Kampanilya (dahon) 

Maglaga ng 5 dahon sa 2 baso ng tubig sa loob ng 10 minuto. 

Ipainom: 
  • Sa 2–6 taong gulang — 1 kutsara, 2 beses sa isang araw. 
  • Sa 7–12 taong gulang — 1 tasa, 2 beses sa isang araw. 
  • Sa matanda — 1 baso, 2 beses sa isang araw. 

Kulebra 

1. Saging (hilaw) 

Dikdikin ang saging na hilaw at itapal sa kulebra. 

Lagnat 

1. Sampalok (bunga) 

Kumain ng hinog na sampalok upang mawala ang lagnat. 

2. Balimbing (dahon) 

Magtadtad ng mga sariwang dahon at pakuluan sa loob ng 10 minuto. Palamigin. Gamitin bilang cold compress para sa noo. 

3. Lagundi (dahon) 

Maglaga ng 1/2 tasa ng dinurog na sariwang dahon sa 2 basong tubig sa loob ng 15 minuto. 

Ipainom: 
  • Sa bata (2–6 taong gulang) — 1 kutsara tuwing ika-4 na oras. 
  • Sa 7–12 taong gulang — 1/2 tasa tuwing ika-4 na oras. 
  • Sa matanda — 1 tasa tuwing ika-4 na oras 
4. Okra (buto) 

Isangag at bayuhin o gilingin. Maglaga ng 1/2 tasa ng giniling na buto sa 2 basong tubig sa loob ng 15 minuto. Palamigin. 

Ipainom: 
  • Sa 2–6 taong gulang — 1/4 tasa 3 beses maghapon, pagkatapos kumain. 
  • Sa 7–12 taong gulang — 1/2 tasa, 3 beses maghapon, pagkatapos kumain. 
  • Sa matanda — 1 tasa, 3 beses maghapon, pagkatapos kumain. 
5. Banaba (balat) 

Dikdikin hanggang sa mapulbos ang balat ng puno. Maglagay ng 1 kutsaritang pinulbos sa 1 tasa ng pinakulong tubig. Takpan ng 10–15 minuto. Ipainom sa may lagnat.

Your voice matters. Discussions are moderated for civility before being published on the blog. Read my comment policy here.

Previous Post Next Post