Before I will share with you how to Legitimize an Illegitimate Child in Bayombong Nueva Vizcaya I would first like to share this post from E-Lawyers Online so that we can understand the difference between legitimate vs illegitimate child:
"ANO BA ANG PAGKAKAIBA NG LEGITIMATE CHILD, ILLEGITIMATE CHILD AT LEGITIMATED CHILD?"
ANG BATA AY MATATAWAG NA LEGITIMATE CHILD DAHIL SIYA AY PINANGANAK HABANG KASAL ANG KANYANG MGA MAGULANG AT KUNG HINDI KASAL ANG MAGULANG, ANG BATA AY ILLEGITIMATE CHILD. ANG NAGBIBIGAY NG LEGITIMACY SA ISANG BATA AY ANG KASAL NG MAGULANG AT HINDI ANG PAGPAPAGAMIT NG APELYIDO NG TATAY O ANG ACKNOWLEDGMENT NG PATERNITY NG TATAY SA BIRTH CERTIFICATE. ANG LEGITIMATE, ILLEGITIMATE, LEGITIMATED AT ADOPTED CHILD AYON SA BATAS.
May nagtatanong sa E-Lawyers Online kung sapat na daw ba ang pagpapagamit ng apelyido ng tatay sa kanyang anak o pag acknowledge ng paternity ng tatay sa birth certificate ng anak para matawag na lehitimong anak o legitimate child ang bata. Ganito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online:
"Paano ko po ba magiging legitimate child ang anak ko sa labas? Sa birth certificate po niya ay ako ang nakalagay na tatay at gamit niya ang apelyido ko. Sapat na po ba yon para maging legitimate child ko po siya?"
Ito ang common misconception tungkol sa issue ng legitimacy ng isang bata in relation sa kanyang tatay. Ang pagpapagamit ng apelyido ng tatay sa kanyang anak o pag acknowledge ng paternity ng tatay sa birth certificate ng anak ay hindi legal na rason para matawag na lehitimong anak o legitimate child ang bata. Ang valid na kasal ng mga magulang ang nagbibigay ng legitimacy sa isang bata bilang lehitimong anak. Magkaiba ang legitimacy ng bata at ang paternity ng bata. Ang legitimacy ay ang status ng bata in relation sa kanyang magulang while ang paternity ay ang relasyon ng bata sa kanyang tatay.
Ang bata na pinanganak o isinilang habang kasal ang kanyang mga magulang ay tinatawag na "legitimate child" at ang kanyang apelyido na dapat gamitin ay dapat sa tatay na apelyido.
Ang bata na pinanganak o isinilang na hindi kasal ang kanyang mga magulang ay tinatawag na "illegitimate child" at ang kanyang apelyido na dapat gamitin ay dapat sa nanay na apelyido ngunit nasa Republic Act No. 9255 na pwedeng ipagamit ng tatay ang kanyang apelyido.
Ang bata na pinanganak o isinilang na hindi kasal ang kanyang mga magulang at pagkatapos ay nagpakasal sila ay tinatawag na "legitimated child" pagkatapos mag-submit ng affidavit of legitimation. Ang kanyang apelyido na dapat gamitin ay dapat sa tatay na apelyido at ang bata ay may karapatan bilang legitimate child.
Kung ang bata ay pinanganak o isinilang habang kasal ang kanyang mga magulang at pagkatapos ay nadeclare na null and void ito due to psychological incapacity, ito ay tinatawag na "legitimate child". Ngunit kung nadeclare na null and void ang kasal due to other grounds of annulment katulad ng bigamous marriage, lack of marriage license at iba pa, siya ay "illegitimate child" at ang kanyang apelyido na dapat gamitin ay dapat sa nanay na apelyido.
Ang bata na anak ng ibang tao na inampon ng naayon sa batas at proseso ng korte ay "adopted child" at ito ay merong karapatan katulad ng isang legitimate child katulad ng paggamit ng apelyido ng nag-ampon, magmana at makatanggap ng suporta.
Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa status ng isang bata at kailangan na dokumento dito, register at Atty. Marlon P. Valderama's website at www.e-lawyersonline.com.
Visit and also like his FB page E-Lawyers Online. Ito ang link https://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.
Sa case namin, isinilang ang aming anak na hindi pa kami kasal ngunit batay sa Republic Act No. 9255 pwede kong ipagamit sa anak ko ang aking apelyido. Kaya pumirma kami noon ng Affidavit of Acknowledgement/Admission of Paternity Form na kailangang ma notarized. Sabi ng lawyer noong after niya pirmahan ang Acknowledgement/Admission of Paternity Form, pagkatapos daw nang aming kasal ay kailangan naming iprocess ang legitimation ng aming anak. After 3 years ng aming kasal ngayon lang namin na process ang legitimation.
Puwede bang ipaprocess sa Lawyer ang process ng Affidavit of Legitimation?
Yes! Ito sana ang process na gagawin namin. Buti na lang wala si attorney noon sa office niya nasa session daw sabi ng staff niya na nakausap ko at sinabihan ako na punta ako sa LCR para kuha ng form tapos balik ako after an hour while waiting for attorney. Ngunit noong pumunta ako sa LCR, sabi ng LCR staff pag si attorney daw ang magprocess ay it takes year(s) and mas malaki ang aming babayaran. Pag si LCR mismo ang magprocess, 440 pesos (bayad for notarial services/LBC fee dahil ipapadala sa PSA Manila yung documents for approval) lang ang babayaran namin and 3-5 months ang process.
Paano ang proceso ng legitimation.
Ito ang mga dapat mong gawin at mga requirements na dapat mong dalhin sa LCR:
- Bago ka pupunta sa LCR (Local Civil Registrar) Office, kailangan niyo munang kumuha ng CENOMAR ninyong mag-asawa sa PSA. Ang presyo ng CENOMAR ay 210 pesos each. Puwedeng isa lang sainyo ang kukuha ng CENOMAR since kasal naman na kayo. Kuha ka na rin ng Marriage Certificate niyo pag wala kayong copya. Huwag mo kalimutang ipa photocopy ang iyong Valid ID at pirmahan mo ng 3 beses yung harap ng photocopy. I handa mo rin ang valid ID mo for verification;
- After PSA, kailangan mo ng ipaphotocopy ang mga sumusunod na documento:
- 3 photocopies ng Birth Certificate ng inyong Anak na galing kay LCR. Gusto nila yung LCR copy over PSA copy and dapat hindi putol yung photocopy. Yung photocopy ng LCR birth certificate ng aming anak ay putol at hindi ko rin dala yung original LCR copy kaya no choice bumili ako ng LCR copies.
- 3 photocopies ng CENOMAR ninyong mag-asawa. Bale 6 copies lahat.
- 3 photocopies ng Marriage Contract ninyo. Ang binigay ko ay PSA copy dahil hindi ko rin dala yung civil copy.
- 6 copies of Affidavit of Legitimation (to be provided by LCR). Gagawa sila ng draft copy tapos ipapa check sayo mga important details kaya dapat mong icheck lalo na mga spelling.
- 1 photocopy ng valid ID. Isa sayo at sa asawa mo. Pero kung hindi mo kasama si misis o mister hihingan ka pa ng isang valid ID mo para ilagay as valid ID ni misis or mister. Kaya kung isa lang sainyo ang magproprocess mas maganda dalhin mo na rin yung valid ID ni misis or mister.
- Ngayon punta ka sa LCR. Sabihin mo sa staff ang sadya mo ay for child legitimation;
- Sasabihin sayo mga requirements na nabanggit ko sa taas na need mong ipaphotocopy. Ibigay mo na lang para macheck niya;
- Gagawa sila ng Affidavit of Legitimation at ipapacheck sayo mga details. Pag okay na, papapirma sayo at ng asawa mo. Pag isa lang ang nagproprocess wala si misis o mister need mong umuwi at ipapirma kay misis o mister. After mapirmahan balik ka sa LCR. Hihingan ka ng 440 pesos na fee.
-
Sasabihan ka na babalik ka after 4 business days para kunin mo mga signed documents at receipts na copya mo. Ito yong mga documento na kukunin mo (13 copies lahat):
- Application Form - Birth Certificate
- LBC receipt
- Summary of documents for legitimation letter
- 1st Endorsement
- Certificate of Legitimation
- Affidavit of Legitimation
- Annotated and Unannotated Birth Certificate (Form 1A) (2 copies)
- Birth Certificate from LCR with Annotation (Form 102) Xerox Copy
- Marriage Certificate of parents
- CENOMAR of parents
- Birth Certification receipts (2 copies)
-
Punta ka sa PSA after 3 business days for tagging or authentication of documents. Sasabihan ka ng PSA kailan ka babalik sa kanila para mag follow up. Bakit after 3 business days? Depende kung kailan pinadala yung documents mo sa PSA Manila for approval. Pinadala ni LCR yung documents namin noong June 2 at sinabihan ako na punta ako sa PSA sa Tuesday for tagging or authentication.
Ito ang mga gagawin mo pagdating mo sa PSA:
- Pa photocopy mo muna valid ID mo. Mas maganda may daladala ka nang photocopy pag punta mo sa PSA. Paano kung brownout di mamomroblema ka pa. Gaya noong pumunta ako brownout buti na lang may dala na akong photocopy. Yung mga maaga nag panic kung saan mag paphotocopy kasi sila unang tatawagin na pumasok.
- Kuha ka ng form kay kuya guard sabihin mo for tagging of documents for legitimation. Dahil lalagyan din niya ng note yung form.
- Susulatan ni guard ng queue number yung form kaya hintayin mong tatawagin yung queue number mo. Tatawagin kayo by 10, 1 - 10, 11 - 20, 21 - 30 ganun.
- Pag pinapasok na kayo, ihanda mo na yung signed documents na binigay ni LCR + photocopy ng valid ID + valid ID card mo at ipakita mo sa staff pag tatawagin ka. Pag ang papakita mo ay photocopy lang ng valid ID mo hihingan ka pa ng ibang photocopy ng isang valid ID mo. Pag wala kang mapakitang ibang photocopy ng valid ID mo hindi ka papayagan na mag advance sa susunod na step.
- After na ma verfiy yung documents mo bibigyan ka ng queue number for payment at sasabihan ka na after one month ay puwede ka magfollow-up.
- Ngayon after mo magbayad puwede ka nang umuwi. Bibigya ka ni cashier ng contact number na puwede mong icontact after one month para itanong ang status ng legitimation mo.
For queries, you may call Bayombong LGU help desk support hotline number 09261891875.
Sana nakatulong itong post na ito. Keep safe and take care!