Beginners Guide: Panoorin Mo Paano Magpalit Ng Gear Oil Sa E-bike (E-bike Maintenance) |
Noong nirelease ang aming e-bike tinanong ko yung mekaniko sa pinag bilhan namin kung tuwing kailan dapat magpalit ng gear oil. Ang sagot saakin ay every 6 months pero depende raw sa pag-gamit ng e-bike kaya hindi masusunod yung six (6) months. Two (2) months old ang aming ebike at nararamdaman kong may delay sa shifting niya at may naririnig akong grinding sound during acceleration sa likuran kung saan nakapuwesto yung gear hub kaya need ko ng palitan ang gear oil para matanggal narin yung mga metal debri sa loob (dahil bago pa) para hindi magcause ng maagang pagkasira.
Hindi ko na dinala sa shop kung saan namin binili ang e-bike para palitan ang gear oil dahil nagpaturo na ako sa mekaniko kung saan banda yung lagayan at labasan ng oil. Gusto ko ako na lang ang gagawa dahil madali lang naman gawin parang sa pag change oil ng motor lang. Sana makatulong ang video na ito lalo na sa mga baguhan na e-bike owner gaya namin.
Please subscribe to my YouTube channel:
{getCard} $type={custom} $title={Subscribe my YouTube Channel} $info={Subscribe for Free} $button={Subscribe Now} $icon={}