Honda TMX125 Alpha Tumirik Sa Biyahe (1st Time) Mahirap Paandarin |
Tumirik ang TMX125 Alpha 2021 Model ko paglagpas ko ng stop light sa Aguinaldo Highway malapit sa The District Imus at mahirap paandarin. Buti na lang at napagilid ko agad ang aking motor dahil naka go yung stop light. Naghanap ako ng maluwag na space para pumarada at macheck ang motor bakit ayaw umandar (hard starting issue). Ang una kong chineck ay yung fuse at okay pa naman dahil nailaw lahat ng ilaw ng aking motor. Pangalawa kong chineck yung battery voltage at naglalaro sa 12.2-4 ang reading, ibig sabihin ay healthy pa ang aking battery. Pangatlo kong chineck ay compression, sinipa ko ng ilang beses ang kick starter at matigas pa naman. Ang huli kong inisip ay yung spark plug kasi hindi ko pa nachecheck ang gap at nalinisan o pinalitan kaso hindi ko matanggal dahil hindi ko na dala yung spark plug wrench ko at yung bagong spark plug na reserve ko. Nakaligtaan kong palitan before mag 4k yung odo ng motor dahil nakalagay sa manual pag nasa 4k na ang tinakbo ng motor either inspect, clean, adjust, or replace kung kailangan eh nasa 4,643kms na tinakbo ng motor ko.
Please subscribe to my YouTube channel:
{getCard} $type={custom} $title={Subscribe my YouTube Channel} $info={Subscribe for Free} $button={Subscribe Now} $icon={}