What Everybody Ought to Know About Unleaded and Premium Gasoline

Man pumping gasoline fuel in his car

Para po sa hindi pa nakakaalam, matagal na pong phase-out ang leaded gasoline sa Pilipinas. Bakit wala nang leaded? Alinsunod sa probisyon ng Republic Act (RA) 8749, o mas kilala sa tawag na Clean Air Act (CAA) of 1999, lahat ng kumpanya ng langis sa bansa ay tumigil sa pagbebenta ng lead na gasolina mula noong Disyembre 23, 2000 dahil sa seryosong health and environmental concerns na epekto nito. Ang pag phase-out ng leaded gasoline ay isa itong paraan ng paglutas ng polusyon sa hangin.

Matagal nang wala pero bakit marami paring motorista at gasoline attendants ang nalilito sa unleaded (green) gasoline at premium (red) gasoline. Ang pagkakaalam nila ay yung green unleaded at yung red ay leaded. Parehas po silang unleaded ang tamang tawag sa kanila ay regular (kulay green) at premium (kulay red). Maliban sa mas mahal ang premium kaysa regular, ang isa sa kanilang pinagkaiba ay sa Research Octane Number (RON) ang regular ay 91 RON at ang premium naman ay 95 RON.

Paano mo malalaman kung anong uri ng gasolina para sa iyong motor o sasakyan. Ang pinaka the best ay kumonsulta ka sa manual ng iyong unit. Naka depende rin kasi sa compression ratio ng engine ng unit mo. Malalaman mo ang compression ratio ng unit pag kumonsulta ka sa manual mo. Para sa karagdagang kaalaman tignan mo ang compression ratio and Research Octane Number rating table sa baba:

Engine Compression Ratio Research Octane Number Rating Fuel to Use
9:1 89 - 96 Unleaded (Regular or Premium)
10:1 92 - 96 Premium
11:1 96 - 102 Super Premium

For example, ang recommended para kay TMX125 Alpha 2021 ko ay Unleaded petrol na 91 RON or higher. Ang compression ratio ng engine ng motor ko ay 9.0:1, ibig sabihin puwede kong gamitin si regular 91 RON or premium 95 RON dahil nga parehas silang unleaded.






References:

  1. Department of Energy Philippines. (n.d.). Executive Order No. 446, s. 1997 [Blog post]. Retrieved from https://www.doe.gov.ph/laws-and-issuances/executive-order-no-446-s-1997
  2. Torres, T. P. (2001, January 1). Leaded gasoline finally phased out [Blog post]. Retrieved from https://www.philstar.com/business/2001/01/01/98387/leaded-gasoline-finally-phased-out
  3. Vanzi, S. J. (2000, November 19). PHNO: Headline news Philippines [Blog post]. Retrieved from https://www.newsflash.org/2000/11/si/si000666.htm

Your voice matters. Discussions are moderated for civility before being published on the blog. Read my comment policy here.

Previous Post Next Post