llVn0YjMLG9Y1gAZwSUYezIfBPNnRB1JIi7LpqAJ

Certificate of Acceptance by Receiving LGU Not Required

Uuwi ng Nueva Vizcaya? Heto ang tips sa pag-book ng sasakyan, Oplan Awid hotlines, at quarantine rules para sa mga LSI. Ingat sa biyahe, kabsat!
Bayombong Nueva Vizcaya Provincial Capitol

Para sa mga Novo Vizcayano na nagpaplanong umuwi ng probinsya, may mahalagang update tayo mula sa Nueva Vizcaya Provincial Government.

Base sa kanilang official advisory, hindi na kailangan ang Certificate of Acceptance mula sa inyong LGU. Sinusunod na natin ang bagong guidelines mula sa National Task Force (NTF Order 2020-02) para mas mapadali ang pag-uwi ng mga Locally Stranded Individuals (LSI).

Narito ang kabuuan ng advisory para sa inyong gabay:

Salient Points:

1. Certificate of Acceptance by receiving LGU is NO LONGER REQUIRED.

Note: Even though it's announced by the Nueva Vizcaya Provincial Government it is still better to coordinate first with your own municipality if you need to get a Certificate of Acceptance or not to avoid inconveniences.

2. Pre-Departure:

2.1. Kailangang pumunta sa barangay kung saan ka kasalukuyang stranded. Ang nasabing barangay ang inaatasang gumawa ng listahan ng mga stranded sa inyong lugar at ipapadala nila ito sa Regional Task Force for coordination at para narin sa pag-secure ng required Travel Authority mula sa Joint Task Force Covid Shield ng Philippine National Police.

2.2. Ang LGU of origin o ang lugar kung saan kayo kasalukyang stranded ay kailangang siguruhing kayo ay dumaan sa quarantine bago kayo payagang umalis at hindi kayo contact, suspect, probable o isang confirmed covid-19 case.

2.3. Ang LGU of origin o lugar kung saan kayo ngayon ang magpa-facilitate ng mga sumusunod na requirements: Medical Clearance Certification na kayo ay hindi contact, suspect, probable o isang confirmed covid-19 case at nakumpleto ninyo ang 14-day quarantine base sa standards ng DOH.

2.4. Ang mga kailangang mag-undergo ng Real-Time Reverse Transcription–Polymerase Chain Test (RT-PCR TEST) ng dalawang ulit ay yung mga dating CONFIRMED COVID-19 CASE lamang.

2.5. Para sa Travel Authority, ang inatasang magbigay nito ay ang Philippine National Police. Kung ang byahe ay barangay to barangay within the same municipality, ang Chief of Police mula sa place of origin ang mag-iissue. Kung ang byahe ay city/municipality to another city/municipality within the same provice, ang Provincial Director mula sa place of origin ang mag-iissue at kung province to province or region to region naman, ang Regional Director mula sa place of origin ang magbibigay ng pahintulot makabyahe.

2.6. Bago makakuha ng travel authority ay hinihingi ang mga sumusunod na requirements: (i) Medical Clearance Certificate, (ii) List of LSIs, (iii) Point of origin and destination, (iv) Travel date at (v) Pangalan ng driver at plate number ng sasakyan na gagamitin.

Quick Tip: Kung na-stranded ka rin dito sa Makati, pwede mong gawing guide 'yung mismong naging experience namin. I-click mo lang ang link na ito: Paano Kumuha ng Travel Authority sa Makati City. Dito ko nilagay ang step-by-step na ginawa namin para makuha ang Barangay Clearance, Medical Certificate, at Travel Authority.

PARA SA MGA GAGAMIT NG SARILING SASAKYAN, KAILANGAN PARING I-SECURE ANG MGA REQUIREMENTS NA NABANGGIT SA ITAAS. HINDI NA KAILANGAN MAKISABAY SA CONVOY NG PLGU AT MAARI NANG BYUMAHE AGAD KAPAG KUMPLETO NA ANG REQUIREMENTS NG NATIONAL GOVERNMENT.

Tip: Kung wala kayong sariling sasakyan at hindi niyo planong sumabay sa convoy ng PLGU, pwede kayong mag-book sa D'Transport Service. Sila ang sinakyan namin noong umuwi kami ng probinsya last month. Bumibiyahe sila sa Nueva Vizcaya, Isabela, Cagayan, at iba pang parte ng Luzon. Kung may tanong kayo, tawagan niyo lang sila sa 0995 603 1282 / 0926 533 9612 o i-message sila sa Messenger: @dtranservice.
Paalala lang: Pagdating niyo sa munisipyo, kailangan niyo agad mag-report sa Rural Health Unit (RHU). Depende na sa inyong Mayor o Local Chief Executive kung isasailalim pa kayo sa 14-day facility quarantine, kaya mas mabuting i-check ito bago bumiyahe.

Kapag kumpleto na ang inyong National Government requirements, pwede na kayong tumawag sa hotline para ma-schedule ang inyong biyahe at Travel Authority Pass.

Para naman sa mga tanong tungkol sa Nueva Vizcaya Oplan Awid, mas mainam na mag-message direkta sa Nueva Vizcaya DRRMO (@nvpdrrmo) o tumawag sa 0917 599 0020 (Globe) / 0919 069 4462 (Smart).

Sana makatulong itong post na ito sa pag-uwi niyo. Ingat sa biyahe at stay healthy, kabsat!

Source(s): Nueva Vizcaya DRRMO. (2020, May 20). Oplan awid kontra covid [Facebook Post]. Retrieved from https://www.facebook.com/officialplgunv/posts/d41d8cd9/2817752265013804/
Post a Comment
Please read our comment policy guidelines before posting.