llVn0YjMLG9Y1gAZwSUYezIfBPNnRB1JIi7LpqAJ

Abang Maria

Reflect on the humility of the Blessed Mother with "Abang Maria." A beautiful hymn perfect for Marian devotions, processions, and personal prayer.
A compilation of songs for Catholic liturgy and worship
Songs for Catholic Liturgy and Worship

Fr. Manoling V. Francisco, SJ

1. Sino'ng mas malumanay sa kogong kumakaway?
Sino'ng mas dalisay sa hamog sa himaymay?
Sino'ng mas malambing sa mapaglarong hangin?
Sino'ng mas maningning sa buwan at bituin?

KORO:
Abang Maria, Mahal naming Ina,
Ang landas tungo kay Hesukristo.
Buong tiwala, kanyang winika:
"Maganap nawa ang 'Yong salita."

2. Sino'ng magpapayapa sa bagyong nananakot?
Sino'ng magpapasigla sa damong sumukot?
Sino'ng takbuhan ng mga dukha?
Sino'ng tanggulan ng mahihina? (KORO, liban sa ... )

KODA:
"Maganap nawa ang 'Yong salita."
Sino'ng dakilang lingkod ng Amang utos?
Santa Maria, Ina ng Diyos.

3. Sino ang Reyna ng langit at lupa?
Sino'ng nag-aaruga sa lahat ng nilikha?

KORO:
Abang Maria, Mahal naming Ina,
Ang landas tungo kay Hesukristo.
Buong tiwala, kanyang winika:
"Maganap nawa ang 'Yong salita."

KODA:
Sino'ng dakilang lingkod ng Amang utos?
Santa Maria, Ina ng Diyos.

Post a Comment
Please read our comment policy guidelines before posting.