Siya

A compilation of songs for Catholic liturgy and worship 19
Songs for Catholic Liturgy and Worship

Buhay ko’y may kaguluhan. Ang landas walang patutunguhan
Kaibigan, ano kaya ang kahahantungan?
Ngunit salamat ako’y natagpuan. Binigyan Niya ng kapayapaan
Tanging kay Hesus mayroong tagumpay

REF:
Siya ang aking patnubay, Siya ang aking gabay
Siya sa aki’y nagbigay buhay
Si Hesus ang katotohanan, si Hesus ang Daan
Siya ang tanging Panginoon magpakailan pa man

At ngayon sa aking buhay. Sa tuwina’y Siya’y nagbabantay
Ang pag-ibig niya’y tunay na walang kapantay.
Hinding-hindi na ako mangangamba. Si Hesus laging kasama
Siya sa akin at ako’y sa Kanya (REF)