Balang Araw
![]() |
Songs for Catholic Liturgy and Worship |
Balang araw ang liwanag matatanaw ng bulag
Ang kagandahan ng umaga pagmamasdan sa tuwina
Balang araw mumutawi sa bibig ng mga pipi
Pasasalamat at papuri awit ng luwalhati
KORO:
Aleluya, aleluya
Narito na'ng Manunubos
Luwalhatiin ang Diyos!
Balang araw tatakbo ang pilay at ang lumpo
Magsasayaw sa kagalakan
Iindak sa katuwaan (KORO)