llVn0YjMLG9Y1gAZwSUYezIfBPNnRB1JIi7LpqAJ

Awit ng Paghahangad

Access the lyrics for "Awit ng Paghahangad." A beautiful Jesuit classic based on Psalm 63, ideal for deep prayer and Communion.
A compilation of songs for Catholic liturgy and worship
Songs for Catholic Liturgy and Worship

Fr. Carlos "Charlie" G. Cenzon, Jr., SJ

1. O D’yos, Ikaw ang laging hanap. Loob ko’y Ikaw ang tanging hangad.
Nauuhaw akong parang tigang na lupa, sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga.

2. Ika’y pagmamasdan sa dakong banal, Nang makita ko ang ‘Yong pagkarangal.
Dadalangin akong nakataas aking kamay, magagalak na aawit ng papuring iaalay.

KORO:
Gunita ko’y ikaw habang nahihimlay, ‘pagkat ang tulong mo sa tuwina’y taglay.
Sa lilim ng iyong mga pakpak, umaawit akong buong galak.

3. Aking kaluluwa’y kumakapit sa Iyo. Kaligtasa’y tiyak kung hawak Mo ako.
Magdiriwang ang hari ang D’yos siyang dahilan, ang sa iyo ay nangako
galak yaong makakamtan. (KORO)

CODA:
Umaawit, umaawit, umaawit akong buong galak.

Post a Comment
Please read our comment policy guidelines before posting.