llVn0YjMLG9Y1gAZwSUYezIfBPNnRB1JIi7LpqAJ

Panalangin Sa Pagiging Bukas Palad

Find the lyrics to "Panalangin Sa Pagiging Bukas Palad." A timeless Offertory hymn about generosity and selfless service to others.
A compilation of songs for Catholic liturgy and worship
Songs for Catholic Liturgy and Worship

Batay sa panalangin ni San Ignacio na isinalin ni Fr. Timoteo Jose "Tim" M. Ofrasio, SJ. Nilapatan ni Jandi ng kanyang estilo ang unang bahagi. Tinapos naman ni Fr. Manoling V. Francisco, SJ nang iparinig sa kanya ang nauna. Ito ang tinaguriang "theme song" ng Bukas Palad mula pa sa una.

Panginoon, turuan Mo ako maging bukas-palad
Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo
Na magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa 'Yo

Nang makibakang di inaalintana
Mga hirap na dinaranas
Sa tuwina'y magsumikap na hindi humahanap
Ng kapalit na kaginhawaan
Na 'di naghihintay kundi ang aking mabatid
Na ang loob Mo'y siyang sinusundan

Panginoon, turuan Mo ako maging bukas-palad
Turun Mo akong maglingkod sa Iyo
Na magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa 'Yo

Post a Comment
Please read our comment policy guidelines before posting.