Pag-aalay ng Puso

A compilation of songs for Catholic liturgy and worship 17

Minsan lamang ako daraan sa daigdig na ito
Kaya anuman ang mabuting maaring gawin ko ngayon.
O anumang kabutihan ang maari kong ipadama;
Itulot Ninyong magawa ko ngayon ang mga bagay na ito.
Nawa’y wag ko itong ipagpaliban
O ipagwalang bahala
Sapagka’t di na ko muling daraan
Sa ganitong mga landas.