Pagmamahal sa Panginoon

A compilation of songs for Catholic liturgy and worship 1
Songs for Catholic Liturgy and Worship

REF:
Pagmamahal sa Panginoon ay simula ng karunungan;
Ang Kanyang kapuriha’y manatili magpakailanman.

Purihin ang Panginoon, Siya’y ating pasalamatan
Sa pagsasama at pagtitipon ng Kanyang mga anak. (REF)

Dakilang gawain ng Diyos, karapat dapat pag-aralan
Ng tanang mga taong sumasamba sa Kanya. (REF)

Kahanga-hanga ang gawa ng D’yos ng kalwalhatian:
Handog ay kaligtasan sa atin binibigay (REF)